Mag-Ingat sa Pesopop (Online Lending App) - LOAN TIPS

Breaking

"Lending Guide"

Thursday, 10 September 2020

Mag-Ingat sa Pesopop (Online Lending App)

Ang Pesopop ay una nyong narinig dito sa aming blog noon November 14, 2019. Ilang buwan na rin ang nakalipas at hanggang sa ngayon ay tuloy pa rin ang serbisyo nila at tuloy pa rin ang panghaharas nila sa kanilang mga borrowers na hindi nakapagbayad at yong iba delayed nakapagbayad. 

Noong September 06, 2010 na feature daw sila sa BITAG kaso hindi ko po napanood. Marami ang nagsumbong sa amin at marami din ang humingi ng tulong. Tulad ng sinabi namin, wala po kaming connection sa kahit anong Online Lending App kaya hanggang advice lang kami para kayo ay makaiwas sa panghaharas at sa mga iba pang problema na maaari nyong kahaharapin kapag sakaling umutang kayo sa kanila.

Ito po ang unang post namin dito tungkol sa PESOPOP, pakisuyong sundan ang link na ito: https://www.usapangpera.ph/2019/11/pesopop.html at una rin itong nagawan ng tutorial sa USAPANG PERA TV Youtube channel noong November 24, 2019. Please sundan nyo rin ang aming post nito sa Youtube at basahin ang mga nagiging comment ng kanilang mga borrowers sa comment section: https://youtu.be/nNKvhW_x0Vg

Medyo may katagalan na at marami na ang nangyayari sa mundo pero tuloy pa rin sila sa pamamahiya sa mga nahirapang magbayad sa kanila dahil sa sobrang laki ng interest at sa dami ng mga hidden charges. Kaya kung nagpa-plano kayong mangutang sa PESOPOP, mabuting mag research muna kayo at huwag agad-agad mag-apply.

Based doon sa kanilang Playstore description, walang nakasaad na register sila sa SEC. Kahit paman siguro registered sila, wala ding silbi yon dahil hindi naman nila sinusunod ang batas ng LENDING ACT OF THE PHILIPPINES.

Ang PESOPOP ay isa sa mga LOAN SHARK na available ngayon sa Playstore. Ito po ang kanilang app na makikita sa Playstore: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.populus&hl=en

WE RECOMMEND na huwag subukan ang lending app na ito para maiwasan nyo ang problema sa hinaharap. Hindi lang ikaw ang magkakaproblema kundi ang buong pamilya nyo, kamag-anak, kaibigan at pati mga katrabaho nyo. Kung naghihirap man kayo, tiisin nyo nalang kay sa makautang nga at sa iksing panahon naka-survive pero ang kung ang dulot naman ay malaking problema, mas mabuting huwag na lang.

1 comment:

  1. Tama po isa ako sa hinaharas nila ngayon. Kahit sinabe ko na magbabayad ako ngayon araw kahit past due nako. Pro namamahiya sila at nanakot.dame nila.message na di maganda.kung alam ko lang dina sana ako sumubok mangutang sa pesopop.

    ReplyDelete